Isasapribado ng Department of Transportation (DOTR) ang operasyon at maintenance activities sa Metro Manila Subway at North-South Railway.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mapalakas ang ugnayan ng Public-Private Partnerships (PPP); DOTR; Asian Development Bank (ADB); Transaction Advisory Services (TAS) agreements para sa turnover ng operations at maintenance ng dalawang big-ticket railway projects sa bansa.
Ang mga nabanggit na ahensya ay lumagda ng kasunduan para sa maayos na operasyo at pagbiyahe ng mga Pilipino.
Ayon kay DOTR Secretary Jaime Bautista, ang naturang mga kasunduan ay hindi lamang makapagpapabilis sa pagtatapos ng mga big-ticket transport projects ng bansa, kundi makatutulong din sa muling pagbangon ng ekonomiya.
Ang nasabing proyekto ay mayroong labing pitong istasyon na nagkakahalaga ng mahigit 488 billion pesos na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).