Balik normal na ang operasyon ng mga pantalan sa Mindanao matapos ang sunod-sunod na paglindol sa naturang lugar.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), wala silang nakitang pinsala ng lindol sa mga pantalan.
Iniutos naman ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago na iprayoridad ang mga cargo vessels at mga barko na maghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.
Aniya, paraan nila ito upang makatulong sa mga nasalanta ng pagyanig.
Samantala, naghanda na rin ng ilang mga pangunahing pangangailangan katulad ng bottled water at pagkain ang PPA para maihatid sa mga evacuation centers.