Balik normal na ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang aberya nuong January 1.
Ipinabatid ito ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista matapos halos 300 flights ang nakansela, na divert o na delay nitong nakalipas na araw ng linggo.
Gayunman, sinabi ni Bautista na hindi nila inaalis ang posibilidad na sabotahe ang nangyari sa naia sa unang araw ng taong 2023.
Kasabay nito, tiniyak ni Bautista na handa ang DOTR na humarap sa imbestigasyon ng kongreso lalo pat inaayos na nila ang mga dokumento kaugnay nito.