Apektado na ang operasyon ng Polloc Port sa Maguindanao dahil sa presensya ng mga pirata sa Sulu Sea.
Matatandaan na inatake ng nasabing mga pirata ang isang Vietnamese ship kung saan nasawi ang isang tripulante habang dinukot ang pitong (7) iba pa.
Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Board of Investments Ishak Mastura, pansamantalang sinuspinde ang paglapag ng mga kargamento sa Polloc Port dahil sa panganib na dulot ng mga pirate.
Aniya, malaki na ang nawawalang kita sa ARMM government at maging sa kalakalan sa buong rehiyon
Ang naturang pantalan ang nagsisilbing pinto ng international trade sa Mindanao.
By Rianne Briones