Patuloy na nagpapagaling ang batikang brodkaster na si Doris Bigornia matapos sumailalim sa isang open heart surgery.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak sa twitter post nito kasabay ng patuloy na paghingi ng panalangin para sa tuloy-tuloy na paggaling ng kanyang ina.
″Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy″ pahayag ni Nikki Bigornia sa kanyang twitter account.
Matatandaang, inatake sa puso si Doris noong Pebrero 21 at agad na sinugod sa ospital kung saan inerekomenda ng Doktor na kailangan nitong sumailalim sa isang open heart surgery.— sa panulat ni Agustina Nolasco
Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy
— Nikki Bigornia (@nikkibigornia) March 1, 2021