Tiniyak ng Estados Unidos ang pagpapatuloy ng kanilang operasyon sa South China Sea.
Inihayag ito ni US Defense Secretary Jim Mattis sa harap ng galit na reaksyon ng China sa freddom of navigation operations ng US sa South China Sea.
Sinabi ni Mattis na patuloy nilang haharangin ang pagtatangka ng China na limitahan ang malayang paglalayag sa pamamagitan ng militarisasyon sa South China Sea.
—-