Magsasagawa ng pagpupulong ang Department Of Justice at Philippine National Police para pag-usapan ang operasyon sa anti-illegal drugs.
Nabatid na sisilipin ng DOJ ang resulta sa ginawang pag-review ng kagawaran sa 52 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.
Pag-uusapan din sa ikakasang pagpupulong ang pananagutan ng mga pulis sa sinasabing misconduct sa anti-illegal drugs operation.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar suportado at ibibigay nila ang kooperasyon sa DOJ. —sa panulat ni Angelica Doctolero