Pumapalo na sa mahigit Labing Siyam na libo ang operasyong isinagawa ng mga otoridad kaugnay sa kampanya kontra illegal drugs
Sa pagkakasa ng Oplan Double Barrel simula July 1 hanggang September 22 nasa halos Isanlibo at Dalawandaan ang mga drug personalities na napatay at mahigit Labing Walong libo naman ang naaresto
Sa ilalim naman ng Project Tokhang umaabot na sa Isang milyon at mahigit Isandaang Libong kabahayan ang nakatok na ng mga otoridad samantalang nasa halos Pitong daan at Dalawampung libong drug personalities ang sumuko
Kabilang dito ang mahigit Limamput tatlong libong pushers at halos anim na raan at pitumpung libong users
By: Judith Larino