Nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na pahabain ang operating hours ng mga groceries at supermarkets.
Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, inirekomenda na nya ito sa Inter-Agency Task Force.
Hindi anya nasusunod ang social distancing dahil mas nagkukumpol-kumpol ang mga tao bunga ng maigsing oras na ibinibigay sa kanila para mamili.
Matatandaan na nitong nakaraang linggo, hinikayat ng DILG ang mga local government units na tanggalin ang window hours sa pamamalengke ng mga tao upang maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao.