Kaagad nag-adjust ng operating hours ang mga mall sa Metro Manila matapos ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang quarantine status sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula ngayong araw na ito hanggang sa ika-30 ng Abril.
Ayon sa advisory ng karamihan sa mga mall, alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi ang operating hours nila sa buong panahong nasa MECQ ang NCR Plus.
Gayunman, nilinaw ng mga naturang mall na tanging essential stores lamang ang bukas tulad ng mga bangko, pharmacy, telecom shops, hardware stores at restaurants na mayroong al fresco dining, take out at delivery.
Muling ipinaalala ng mga mall ang mahigpit na pagpapapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng mga papasok dito.