Umarangkada na ang ‘operation baklas’ ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Commission on Elections o Comelec.
Sinuyod ng grupo ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila at binaklas ang mga campaign materials na nakapaskil o nakasabit sa hindi tamang puwesto.
Kabilang sa mga naunang sinuyod ang Mandaluyong, Caloocan, Quezon City at San Juan.
Katuwang ng Comelec sa operation baklas ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
—-