Ipinanawagan sa Commission on Election (COMELEC) ang suspension sa pagbabaklas ng malalaking campaign posters sa mga private property.
Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, dapat repasuhin muna ng COMELEC ang mga patakaran hinggil sa Operation Baklas.
Iginiit ni Macalintal na ang nilalaman ng Republic Act 9006 o Fair Election Act kaugnay sa election propaganda materials ay hindi akma sa private persons o non-candidates.
Hinikayat naman ng election lawyer ang publiko na nakaranas, lalo ang mga private property owner na tinarget sa Operation Baklas na maghain ng reklamo sa Korte Suprema. —sa panulat ni Mara Valle