Pinalawig na ang oras sa mga mall tuwing weekdays sa Metro Manila simula sa Nobyembre 15.
Batay sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang bagong operating hours ng mga mall mula Lunes hanggang Biyernes ay mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Ang naturang pagpapalawig sa mall operating hours ay alinsunod sa MMDA resolution No.21-25.
Bagaman nagkaroon ng extension sa mall hours, limitado pa rin ang mga isasagawang sale tuwing weekends at holidays.
Ayon kay Benhur Abalos, layunin nitong hindi magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko lalo na’t malapit ang Kapaskuhan.
Paliwanag pa ng MMDA, napagkasunduan nila ng mga operators na palawigin ang operating hours sa mga mall.
Matatandaang, inilagay sa alert level 2 ang Metro Manila noong biyernes at magtatagal hanggang sa 21 ng Nobyembre.