Posibleng palawigin hanggang alas-10 ng gabi o hatinggabi ang ‘operational hours’ ng mga mall.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ay upang maiwasan ang dagsa ng mga tao kapag christmas rush hours.
Maliban dito, pinag-aaralan din ng MMDA na payagan lamang ang mga mall na mag-sale tuwing weekend at holiday simula sa kalagitnaan ng Nobyembre hanggang Enero ng susunod na taon.
Sinabi pa ni Abalos na ihihirit din nila sa mga operator na isagawa na lamang ang mall deliveries sa gabi. —sa panulat ni Hya Ludivico