Inilabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinakabagong manual kaugnay sa disaster preparedness para sa Local Government Units (LGUs).
Ang nasabing manual na tinawag na ‘Operation Listo manual’, ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya, ay naglalaman ng checklist na dapat gawin ng mga LGU sa panahon ng sakuna.
Sinabi ni Malaya na makakatulong ang manual dahil mayruong susundan ang mga opisyal ng LGU na ‘step by step procedure’ bago mangyari, habang nangyayari, at pagkatapos mangyari ng isang kalamidad.
Kailangan aniyang tiyakin ng Local Chief Executive na handa at alisto ang kanilang lugar kapag may sakuna.