Kaagad pinagana ng SM Supermalls ang Operation Tulong Express Program (OPTE) nito para mabigyan ng mabilis na ayuda ang mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Partikular dito ang mga residente ng Regions 4-A (CALABARZON), Region 5 (Bicol Region), Region 6 (Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)) na una nang idineklara ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na nasa ilali ng State of Calamity dahil sa Bagyong Paeng.
Bilang bahagi ng OPTE Program, Mahigit 3,500 motorista ang pinasilong at pinag park ng libre ng SM sa kanilang mga malls sa buong bansa kung saan isanlibo rito ay mula sa Bicol Region kasama ang kabubukas pa lamang na SM Sorsogon.
Ipinabatid ng SM Supermalls ang paglalaan ng lugar kung saan maaaring mag stay ang mga apektadong residente hanggang kumalma ang bagyo at makapag recharge ng kanilang device para makontak ang kanilang mga mahal sa buhay.
Tiniyak pa ng SM Supermalls ang patuloy na pakikipag ugnayan sa mga local government unit’s para makapag pamahagi pa ng kalinga packs, mainit na pagkain at bottled water sa mga evacuee at iba pang naapektuhan ng Bagyong Paeng.