Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang operational guideline para sa holiday season.
Ayon kay Police Colonel Jean Fajardo gaya ng nakalipas na undas maagang idedeploy ng kapulisam para sa kaligtasan ng publiko partikular sa mga matataong lugar.
Gayundin upang matiyak aniya ang kaligtasan ng mga mamasyal at bibisita sa bansa.
Una nang inatasan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ng directorate for operations na muling tingnan ang operational plans at implementing guidelines ng iba’t ibang PNP units para sa nalalapit na holiday season at iba pang mahahalagang aktibidad. - sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).