Binuhay muli ng SM Supermalls at SM Foundation Incorporated ang Operations Tulong Express (OPTE) nito para makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng mga bagyong Egay at Falcon sa Northern Luzon.
Kumilos ang mga volunteers mula sa SM City Marilao at SM City Baliwag at nakapagbigay ng Kalinga packs sa 28 barangay sa bulacan samantalang ang SM Center Pulilan team ay nakapagsilbi sa 7,320 families sa pamamagitan ng door to door relief efforts nito.
Sa Pampanga naman, ang SM City Pampanga at SM Savemore Market Apalit teams ay nakapag-supply ng halos 2,000 relief packs samantalang nakapagbigay ng assistance sa kani-kanilang komunidad ang mga team na binuo mula sa SM City Olongapo Central, SM City Olongapo Central at SM City bataan.
Nasa limandaan at limampung beneficiary naman ang nabigyan ng relief ng SM Center Dagupan 300 families naman mula sa Baggao at Cagayan ang sinagot ng team ng SM City Tuguegarao at tatlong barangay na mayruong 250 relief packs ang naipamahagi ng SM City Baguio team.
Ang mga naturang hakbangin ay patunay ng commitment ng SM Supermalls at SM Market employees at volunteers na makatulong sa pamamagitan ng operation tulong express ng SM Foundation.