Tiniyak ng Travellers International Hotel Group Incorporated na babawiin nito ang provisional gaming license na una nang sinuspindi ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Ayon sa operator at developer ng Resorts World Manila, gagawin nila ang lahat para mabigyan muli ng lisensya at makapag operate ang nasabing hotel – casino.
Siniguro naman ng Travellers Group na susundin nila ang kautusan ng PAGCOR at makikipag-tulungan sa mga otoridad para sa imbestigasyon nang pag-atake ng lone gunman na si Jessie Carlos sa Resorts World Manila noong Hunyo 2.
PAGCOR: BFP dapat ang humawak ng fire security authorization ng mga casino
Mas mabuti kung ang BFP o Bureau of Fire Protection ang hahawak sa fire security authorization ng mga casino.
Binigyang diin ito ni PAGCOR Chair Andrea Domingo dahil BFP ang expert sa usapin ng fire security at ito rin aniya ang rumeresponde kapag may sunog.
Ang pahayag ay kaugnay na rin nang pag-atake ng lone gunman na ikinasawi ng mahigit tatlumpu (30) katao.
By Judith Larino