Maaaring maghain ng kasong sibil laban sa operator ng Panda Coach Tours ang kaanak ng mga nasawing biktima sa malagim na aksidente sa Tanay, Rizal.
Sa panayam ng programang “Karambola”, sinabi ni dating Land Transportation Franchising Regulator Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton na pawang mga kasong sibil lamang ang haharapin ng mga sangkot sa aksidente dahil namatay na rin ang bus driver.
Kung sakali aniyang buhay ang drayber, maaari sana siyang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Binigyang-diin ni Inton na malaki ang responsibilidad ng isang bus company sa pagkuha ng mga drayber.
Aminado ang dating board member ng LTFRB na maraming drayber ang walang sapat na training.
“Malaki po ang responsibilidad nila sa pagpili at pag-supervise ng drivers nila, kaya nga isa yang puwedeng i-file ng mga victim in a civil case na nagkulang o hindi sapat yung pagpili at pag-kontrol doon sa driver.” Pahayag ni Inton
By Meann Tanbio | Karambola (Interview)