Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTR) ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan na sundin ang 70% capacity sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Ito’y kasunod na rin ng babala ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng PUV na maaaring pagmultahin at ma-impound ang kanilang sasakyan kung sila ay makikitaan ng paglabag sa mga health protocols.
Bukod dito, maaaring ikonsiderang paglabag sa kondisyon ng prangkisa ng isang puv ang hindi pagsunod sa naturang protocol at mahaharap din sa kasong kriminal ang mga tsuper na lalabag dito.