Itinanggi ng Philippine National Police na mayroong opensiba laban sa mga police scalawags na hindi nagpadestino sa Basilan.
Kasunod ito ng ulat na isang pulis sa Tondo, Manila ang nilikida matapos hindi sumunod sa bagong destino.
Sinabi sa DWIZ ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na walang direktiba para itumba ang mga nagpaiwan at hindi sumunod sa direktiba.
Nilinaw ni Albayalde na ang napatay na pulis ay miyembro ng ninja cop at matagal ng AWOL o Absence Without Official Leave.
Pagkaupo aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-AWOL na ang napatay na pulis at hindi ito kasama sa mga dapat ipadala sa Basilan.
By: Aileen Taliping