Nais marinig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang boses ng masa bago ito magdesisyon kung ire-renew o tuluyan nitong ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa at ng Estados Unidos.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi, kung saan napag-usapan ang desisyon niya kaugnay sa VFA.
“I said I must be frank. I do not keep secrets for the people… Sabi ko, I have not yet, as yet decided on what to do. Meaning to say to abrogate or renew because I want to hear the people. I want the narratives to come up,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Matatandaang, maraming pagpuna ang natanggap ng Pangulo ng magpadala ito ng notice sa United States (US) na naglalaman na kinakailangang magbayad ng US sa bansa upang magpatuloy ang mga aktibidad nito sa ilalim ng naturang kasunduan. —sa panulat ni Agustina Nolasco.