Sarado ang field office ng BI o Bureau of Immigration sa Sta. Rosa Laguna sa darating na Lunes, Hunyo 19.
Ito ang ipinalabas na abiso ng BI alinsunod sa Proclamation Number 222 ng Laguna.
Kung saan idineklara ang Special Non-Working Holiday sa lalawigan kasabay ng pagdiriwang ng ika-isang daan at limamput anim (156) na kaarawan ni Gat Jose Rizal.
Samantala, bukas naman ang iba pang tanggapan ng Bureau of Immigration sa bansa sa Lunes.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco