Binulabog ng bomb scare ang opisina ng BIR at DTI sa Barangay Palao sa Iligan City
Kasunod ito nang natagpuang kahina hinalang package malapit sa gusali ng dalawang ahensya
Ayon sa mga otoridad nakatanggap sila ng tawag mula sa security guard ng BIR hinggil sa natagpuang package na may metallic foil at ribbon na iniwan sa harap ng kanilang gusali
Nadiskubreng wala nang laman ang nasabing package nang buksan ito ng mga otoridad para i detonate
Posible anilang sinadya ang pag iwan ng package sa lugar para takutin ang publiko matapos ang pagsabog sa iligan city kagabi na ikinasugat ng Apat katao
By: Judith Larino