Suspendido ngayong araw ang operasyon ng office of consular affairs sa lungsod ng Parañaque at mga consular offices sa iba’t-ibang mga rehiyon sa bansa dahil sa banta ng bagyong Ulysses.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affair (DFA), ang naturang suspensyon ay alinsunod sa memorandum circular #82 series of 2020 ng tanggapan ng punong ehekutibo dahil sa malakas na dalang ulan ng bagyo.
Narito ang tala ng mga consular offices na kanselado ang operasyon ngayon araw: regions 2, 3, 4, 5, CAR, at NACR.
Kasunod nito, inabisuhan ang mga aplikanteng may confirmed appointments sa araw na suspendido ang operasyon ng mga tanggapan ng DFA na magpadala ng liham sa kanilang official email accounts kasama ang mga sumusumod na impormasyon:
- name
- date of birth
- original appointment date and time
- preferred date and time of new appointment.
Magbabalik naman sa Biyernes, ika-13 ng Nobyembre ang normal na operasyon ng mga tanggapan.