Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs o DFA ang operasyon ng consular office sa Santiago City sa Isabella province, at Tagum City sa Davao Del Norte matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga tauhan nito.
Ang operayon ng DFA Consular Office sa Tagum City, na matatagpuan sa Gmall ng Tagum shopping center ay suspendido mula Setyembre 10 hanggang 14, habang suspendido naman ang DFA office sa Robinsons place Santiago sa Isabela simula Setyembre 13 hanggang 17.
Ang mga apektadong aplikante na may appointment o schedule sa Santiago office ay makakatanggap ng email na may detalye ng kanilang alternative passport appointment.
Habang ang mga aplikante na may appointment sa Tagum City ay bibigyan naman ng bagong schedule na mula Setyembre 15 hanggang 24.
Magpapatuloy naman ang regular operations ng DFA Tagum office sa Miyerkules, Setyembre 15.—sa panulat ni Hya Ludivico