Tanging ang opisina ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tatanggap ng mga request para sa repatriation ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ayon kay DMW Secretary Susan Ople na nakausap na rin niya ukol dito si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.
Aniya, ngayong linggo ilalabas nila sa kanilang Facebook page ang mga numerong maaaring tawagan para makipag-ugnayan sa One Repatriation Command Center (ORCC).
Una nang inanunsyo ni Ople na ang ORCC ang magpapasilidad sa repatriation ng mga OFW na gustong umuwi sa bansa.