Suspendido ang operasyon ng punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Ito’y makaraang tamaan umano ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isa mga matataas nitong opisyal at ilang empleyado ng ahensya.
Sa isang pahayag, bagama’t tinukoy ng DOLE na isang undersecretary ang nagpositibo sa coronavirus ay hindi naman nito binanggit ang pangalan ng opisyal na kasalukuyan nang nagpapagaling.