Obligado nang gumamit ng body cameras ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs bilang pagtalima sa ipinalabas na mga panuntunan ng Korte Suprema ukol dito.
Batay sa sampung pahinang memorandum order, binanggit ng BOC na epektibo ang rules sa paggamit ng body-worn cameras at iba pang alternative recording devices noong Oktubre 1.
Ayon sa ahensya, dapat nakasuot ng body cameras ang mga empleyado o opisyal tuwing nagsasagawa ng controlled delivery operations, boarding formalities, auction sales, pagsira at pagbiyahe ng mga ‘goods’ patungo sa mga itinalagang pasilidad, e-tracking-related operations, at iba pa.