Naglabas ang inter-agency task force ng opisyal na listahan ng mga lugar na ikinokonsidera bilang “green” o “low-risk” countries sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinangalanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang 57 mga bansa na lalaanan ng green lane para sa mga darating na pasahero.
Kabilang dito ang mga bansang Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Benin, Belize, The British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Burundi, Cayman Islands, Chad, China, Cote D’ivoire (Ivory Coast), Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong, Iceland, Isle of Man at Israel.
Kasama rin ang Laos, Liberia, Malawi, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Micronesia, Montserrat, Morocco, Mozambique, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy, Saint Kitts and Nevis, Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Senegal, Singapore, Sint Eustatius, South Korea, Taiwan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK), Vietnam, at Zimbabwe.
Una nang inanunsyo ng task force ang mas maikling quarantine period sa mga dumarating na biyahero kung saan sa halip na sampung araw ay magiging 7 na lamang. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico