Posibleng ilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na listahan ng mga kuwalipikadong partylist group bago matapos ang taon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Andres Bautista, inaasahang matatapos ang kanilang ginagawang pagsasapinal sa listahan sa December 5 bago ang itinakdang raffle.
Aniya, binibigyan nila ng sapat na oras ang mga partylist group na na-disqualify na maghain ng kanilang motion for reconsideration.
Kumilos na rin dalawang dibisyon ng COMELEC upang tumutok sa mga accreditation process ng mga partylist group.
By Rianne Briones