Nagpasalamat si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ito’y makaraang idepensa ni Año si Albayalde kaugnay sa pagkakasangkot nito sa “Agaw-Bato” modus ng mga ‘ninja cops’ noong taong 2014 nang siya’y Provincial Director pa ng Pampanga subalit naabsuwelto rin dahil sa kawalan ng ebidensyang magpapatunay ng alegasyon laban sa kaniya.
Ayon kay Albayalde, naipaliwanag naman na niyang maigi kay Secretary Año ang bawat detalye ng kontrobersiyang ibinabato sa kaniya na suportado naman aniya ng mga dokumento.
Kaugnay niyan, pinalagan ni Albayalde ang naging pahayag ni Senate Blue Ribbon at Justice Committee Chairman Sen. Richard Gordon na diversionary tactics umano ang naging paglutang ng tinaguriang drug queen na si Guia Gomez – Castro.
Dahil dito, muli ring iginiit ni Albayalde ang dadalo niya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa Martes kung saan, haharap din ang dating naging Deputy Regional Director for Operations (DRDO) sa Central Luzon na si (Ret) P/BGen. Manuel Gaerlan para linisin ang kaniyang pangalan.
Si Gaerlan ang siyang nanguna noon sa imbestigasyon laban sa grupo ni Albayalde dahil sa pagkakasangkot sa ‘Agaw Bato’ scheme.
Bahagi ng panayam kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde