Asahan na ang pagtagaktak ng pawis makaraang ideklara ng pagasa ang na pagsisimula ng tag-init sa Pilipinas.
Inihayag ng PAGASA na tuluyan nang nagwakas ang Northeast Monsoon o Amihan season kasabay ng pag-ihip ng Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean dahilan upang mangingibabaw ang mainit na panahon.
Inabisuhan naman ng State Weather Bureau ang publiko na mag-ingat, lalo sa paglabas ng bahay upang mabawasan ang heat stress at ugaliin ang palagiang pag-inom ng tubig.
Ibinabala rin ng Department of Health (DOH) na maaaring magresulta sa heat stroke ang tumitinding init ng panahon.
Karaniwang naitatala tuwing tag-init ang pinaka-mataas na temperatura at heat index sa kalagitnaan ng dry season.