Tinambangan ng mga armadong lalaki ang isang 20 -anyos na babaeng opisyal ng isang provincial office ng Bangsamoro Social Services Ministry sa isang ambush sa Barangay Semba sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
Kinilala ng awtoridad, ang biktima na si Christhia Angela Aragoncillo, Logistics Management Officer ng Provincial Office sa Maguindanao del Norte
Ayon sa awtoridad, minamaneho ni Aragoncillo ang kanyang sasakyan kasama ang kaniyang ka-opisina na si Norhano Ado, nang salakayin sila ng mga armadong lalaki sa isang highway sa Barangay Semba sa Datu Odin Sinsuat
Sinabi ng mga imbestigador na rumesponde sa insidente sa mga mamamahayag na pauwi na sina aragoncillo at ado mula sa trabaho nang sila ay atakihin.
Sinabi ng mga opisyal ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office na nakatitiyak sila na si Aragoncillo ang target ng pag-atake dahil tinutukan ang biktima ng mga salarin ng kanilang mga baril.
Nasugatan naman sa pananambang si Ado at nagpapagaling sa tinamo nito sa insedente
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at backtracking ng mga pulis sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen