Arestado ang isang opisyal at medical staff ng Communist Party of the Philippines sa Central Luzon.
Sa ikinasang manhunt operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines natimbog si Juanito Carabeo sa barangay San Juan, Samal, Bataan.
Ayon kay Chief Superintendent Amador Corpus, nahaharap ang rebelde sa kasong murder, rebelyon at arson.
Mariin namang itinanggi ni Carabeo ang mga akusasyon sa kanya ng mga otoridad.