Isang opisyal ng DBM o Department of Budget and Management ang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa usapin ng katiwalian.
Sa kaniyang naging talumpati sa harap ng mga negosyante sa Manila Hotel, kinumpirma ng Pangulo ang pagsibak nito kay Budget Undersecretary Gertrudo de Leon.
Bagama’t hindi direktang pinangalanan ng Pangulo si De Leon sa kaniyang talumpati, ilang taga-Malacañang naman ang nagkumpirma na si De Leon nga ang sinibak.
Magugunitang dalawang opisyal din ang sinibak ng Pangulo mula sa Pasig River Rehabilitation Commission nuong isang linggo dahil sa pag-upo umano ng mga ito sa isang mahalagang proyekto.