Arestado ang isang opisyal ng Highway Patrol Group (HPG) sa Iligan City at ang tatlong tauhan nito makaraang mangotong umano ng P3,000 mula sa isang motorista.
Sa ikinasang entrapment operation ng Counter Intelligence Task Force o CITF at Iligan Police kagabi, naaresto sina Senior Inspector Rolando Rigat, ang hepe ng Iligan City Highway Patrol Team, SPO2 Crisanto Bernardo, miyembro ng HPG-Iligan at ang mga HPG-Civilian Auxiliary na sina Mac Harvey T. Abad at Sidney Cañete.
Ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, tagapagsalita ng CITF, nag-ugat ang operasyon makaraang isumbong sa 8888 hotline na may mga pulis sa Macapagal Highway sa Iligan City ang nangongtong sa mga motoristang pinapara dahil sa gawa-gawa umanong traffic violation.
Narekober sa entrapemnt operation ang P3,000 na tinangka pang itapon ng naarestong opisyal sa CR ng kanyang opisina.
May nakuha ring P5,000 sa drawer ng opisina nito.
Sasampahan na ng kasong administratibo ag nahuling opisyal at mga tauhan ng HPG.
Opisyal ng HPG sa Iligan City at 3 tauhan nito, arestado makaraang mangotong umano ng 3,000 piso mula sa isang motorista @dwiz882 pic.twitter.com/t7CWKsDyEj
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 8, 2018
—-