Nagbitiw na sa pwesto si Manila International Airport Authority Assistant General-Manager Allen Capuyan matapos siyang akusahan na tumatanggap ng “lagay” mula sa mga hinihinalang smuggler.
Gayunman, nilinaw ni Capuyan na ang kanyang resignation ay isang career move.
Magugunitang nag-file ang M.I.A.A. Official ng leave of absence noong Agosto matapos siyang ituro ni Customs Whistleblower Mark Taguba sa Senate Investigation na tumanggap ng kanyang suhol kapalit ng minimal inspection sa kanyang mga shipment.
Papalit naman kay Capuyan si MIAA General Manager for Intelligence and Access Control Arnulfo Junio.