Masayang tinanggap ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang ilang matataas na opisyal ng militar ng Australia at Estados Unidos sa pagbisita ng mga ito sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Paliwanag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, malinaw na ito’y pagkakataon para mapatatag ang magandang relasyon ng magkaalyadong bansa.
Kabilang sa mga bumisita sa AFP sa magkahiwalay na okasyon sina Australian Defense Force Chief of Operations Lt. Gen. Greg Bilton at United States Pacific Fleet Commander Admiral Samuel Paparo.