Naghain ng leave of absence si MIAA o Manila International Airport Authority Assistant General Manager for Security and Emergency Services Colonel Allen Capuyan.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, sa isinumiteng leave of absence ni Capuyan sinabi nitong nais umano niyang harapin ang naturang akusasyon para linisin ang kanyang pangalan.
Samantala, sinabi ni Monreal na magtatalaga siya ng OIC o Officer in Charge para punan ang tungkulin ni Capuyan.
Higit isang taon pa lamang si Capuyan sa kanyang tungkulin simula nang maitalaga siya dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang Senate hearing kaugnay sa P6.4 billion drug shipment na naipasok sa bansa mula China kahapon, matatandaang sinabi ng main witness na si Mark Taguba na si Capuyan ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kung paanong madaliang makakalusot sa Customs green lane ang mga kargamento.
By Rianne Briones / (Ulat ni Raoul Esperas)