Patay ang isang opisyal ng Philippine National Police o PNP na protektor umano ng drug lord matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force o CITF sa ikinasang buy bust operation sa Mandaue City sa Cebu kagabi.
Kinilala ito na si Police Senior Inspector Raymond Hortezuela na naka-destino sa Negros Oriental Police.
Ayon kay CITF Commander, Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., isa sa pinoprotektahan ni Hortezuela ang napaslang na drug lord ng Visayas na si Jeffrey Diaz alyas Jaguar.
Nagre-recyle din umano ito ng mga nakukumpiskang droga noong siya’y naka-assign pa sa Guadalupe Police Station.
Sa ngayon, sa Cebu umano nag-ooperate ng iligal na dorga ang pulis.
Ayon kay Caramat, kabilang sa narekober sa suspek ang 75 sachet ng hinihinalang shabu, kalibre 45 baril at 68,000 pesos na cash.
FLASH: Opisyal ng PNP na protektor umano ng droga, patay sa operasyon ng CITF sa Cebu – PNP chief Oscar Albayalde | via @JonathanAndal_pic.twitter.com/0Swxwh5sPw
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 11, 2018
—-