Nananawagan naman si Police Regional Office-Central Visayas Director, Chief Supt. Noli Taliño sa publiko na maging mapagmatyag at huwag baliwalain ang mga banta ng terorismo.
Ito’y sa gitna ng mga ulat na maglulunsad ng sunud-sunod na pag-atake ang grupong ISIS Maute sa mga pangunahing lugar sa bansa sa Hunyo 30.
Batay sa report, gagamitin umano ng grupo ang mga petroleum trucks bilang vehicle bombs, tatargetin ang mga simbahan, mall at iba pang mataong lugar.
Ayon kay Taliño, bagaman hindi pa naman beripikado ang nasabing ulat, ipinag-utos na niya sa lahat ng police station sa rehiyon na higpitan na ang pagbabantay sa kani-kanilang lugar lalo ang mga malaking pasilidad.
Dapat din anyang paigtingin ang intelligence gathering upang maiwasan ang posibleng pag-take over ng teroristang grupo sa isang partikular na lugar gaya ng ginawa nila sa Marawi City.
kabilang sa pinababantayan ni Taliño ang Cebu City at Tagbilaran City, Bohol.
By: Drew Nacino