Ipinatitigil na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng proteksyon sa mga opisyal o VIP ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) simula ngayong araw.
Ito’y matapos kwestyunin ng mga senador ang PNP Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) tungkol sa deployment ng mga tauhan sa mga dayuhang may kaugnayan sa POGO.
Dahil dito, inatasan DILG secretary Benhur Abalos si PNP chief Rodolfo Azurin, na pahintuin na ang PNP-PSPG sa pagbibigay ng seguridad sa mga opisyal ng POGO.
Maliban dito, sinabi pa ni Abalos na kasuhan at disiplinahin ang mga pulis na nagsisilbing bodyguard sa mga POGO officials.
Samantala, ang sinumang Pulis na susuway sa naturang direktiba ay mahaharap sa kaukulang sanction.