Naglabas na ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa ipinatutupad na oplan baklas ng Commission on Elections (Comelec).
Ibinaba ang TRO laban sa Comelec at sa tagapagsalita nitong si Director James Jimenez sa isinagawang En Banc hearing ng Supreme Court.
Kinatigan ng SC ang petisyon ng St. Anthony College of Roxas City na humihiling na pansamantalang ipatigil ang pagbabaklas ng poll body ng campaign materials na sobra ang mga sukat at wala sa pamantayan.
Partikular na rito ang mga ikinabit sa mga pribadong ari-arian at ginastusan ng mga pribadong indibidwal.
Samantala, inatasan naman kataasan-taasang hukuman ang Comelec na sumagot sa loob ng sampung araw.