Ipagpapatuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang Oplan Baklas.
Nilinaw ni COMELEC Spokesman, Director James Jimenez na isasagawa lamang ang operasyon sa mga pampublikong lugar alinsunod sa batas.
Ang pagbaklas lamang anya sa iligal na campaign materials sa private properties ang sinuspinde ng Supreme Court.
Martes nang maglabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa Oplan Baklas ng poll body bilang tugon sa petisyon ng ilang indibidwal.
Binigyan naman ng SC ang COMELEC ng 10 araw upang makapaghain ng kanilang komento.