Magsisimula nang tumanggap ng reklamo ngayong araw ang DepEd o Department of Education para sa iba’t ibang mga problema ng mga magulang at mag-aaral.
Ito’y ayon kay Education Secretary Leonor Briones ay kasunod ng pagbubukas ng kanilang IAC o Information and Action Center na bahagi ng pagsisimula ng kanilang Oplan Balik Eskuwela para sa taong ito.
Kasunod nito, inatasan din ng kalihim ang kanilang mga regional offices na magtatag ng isang help desk upang doon tumanggap ng mga reklamo mula sa mga magulang sa panahon ng enrollment hanggang sa mismong araw ng pasukan sa Hunyo 4.
Kaagapay ng DepEd ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang tumugon sa mga katanungan ng mga magulang tulad ng Departments of Health, Energy, Trade and Industry, Public Works and Highways, Social Welfare and Development at Interior and Local Government.
Gayundin ang PAGASA, MMDA o Metro Manila Development Authority, MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage system at ang PNP o Philippine National Police.