Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik-Eskwela Command Center sa Agosto 15.
Layunin ng command center na makapagbigay ng mas madaling koordinasyon sa pagitan ng publiko at pamunuan ng DepEd hinggil sa mga suliraning posibleng kaharapin sa muling pagbubukas ng klase sa August 22.
Paliwanag ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, dalawang taong nasa blended learning ang bansa dahil sa COVID-19 kaya malaking hamon ang pagbubukas ng klase ngayong taon.
Isa sa mga nakikitang problema ng kagawaran ay ang kakulangan ng silid-aralan sa CALABARZON at Metro Manila.
Samantala, sa mga labis na napinsala ng lindol, sinabi ni Poa na tuloy-tuloy ang paglalagay ng temporary learning spaces dito.