Aarangkada na simula ngayong araw ang Oplan Balik Eskwela (OBE) ng Department of Education.
Layunin ng taunang OBE program na tiyakin ang maayos na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2022-2023 simula Agosto a – 22.
Ayon sa DepEd, ang pagsisimula ng Oplan Balik Eskwela ay hudyat ng kanilang determinasyon na tumalima sa academic calendar, na nagtatakda ng class opening sa susunod na lunes.
Ito’y sa kabila ng mga panawagan mula sa ilang sektor na ipagpaliban ang pagbabalik-eskwela sa iba’t ibang kadahilanan.
Pangungunahan mamaya ni Education undersecretary Epimaco Densing paglulunsad ng OBE.
Samantala, inihayag naman ni DepEd spokesman Michael Poa na simula August 22 hanggang October 31 ay mayroong option ang mga paaralan na magpatupad ng in-person, blended o full distance learning.
Gayunman, dapat anyang magkaroon na ng in-person classes sa lahat ng eskwelahan simula Nobyembre a – 1.