Gagamitin ng PNP ang Oplan Bandillo sa pagbabantay sa mga lugar partikular sa Mindanao na nagsisilbing backdoor para hindi mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 partikular ng delta variant nito.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni PNP Spokesperson Ronaldo Olay matapos ipag utos ng pangulong rodrigo duterte ang mahigpit na pagbabantay ng PNP at AFP laban sa COVID-19.
Sinabi ni Olay na sa pamamagitan ng oplan bandillo na Anti-Crime and Information Campaign ng PNP ay makakatuwang din nila ang publiko para sanib puwersang labanan ang COVID-19.
Inihahanda na rin aniya nila ang kanilang medical personnel sakaling kailangan ang mga ito sa pagbabantay laban sa virus.
Ito kasing sa bagay na ito pwede nating gamitin ang oplan bandillo para iparating sa mga kababayan natin ang patuloy na banta ng COVID-19 at kung ano yung klasipikasyon ng quarantine at para sumunod sila sa mga patakaran ng IATF protocols,″pahayag ni Olay sa DWIZ.